Create your own banner at mybannermaker.com!

AdSense

my chat room

Google

Monday, December 3, 2007

SULAT NI TATAY AT NANAY SA ATIN

Subject: Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity
ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga
ko at hindi o maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman
sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral
ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man
ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan
o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon
kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana
ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata
ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong
maligo. Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na
marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag
may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong
busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa
mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal
mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang
sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang
sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo
ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director St. Augustine
Parish Baliuag, Bulacan
" Paki forward na lang... hindi para mang-SPAM ,
para malaman nating lahat ang halaga ng mga magulang natin..

No comments:

visitor counter

free hit counter